Thursday, May 26, 2011

The Rayven's Post(literary) Pagtangis ni Rayven Aledo


Tubig na nagmula sa iyong mga mata,
tulay upang ipakita ang nadarama.
Bawat pagpatak nito'y iyong makikita,
kung tao'y nalulumbay o maligaya.

Bakit sa mundong ito, kahinaang maituturing
ang luhang bunga ng paninimdim,
dahil sa pasakit ng kahapong madilim 
at taghoy ng pusong nilagim.

Sa mundo 'ring ito iyong mamamasdan,
isang patak naman para sa kaligayahan,
tagumpay na inaasam-asam,
iyong nakamit dahil sa mabuting pagkamkam.

Ang luha'y hindi kahinaan,
panaghoy ito ng kaluluwang nais pumukaw.
Damdamin ng pusong uhaw, 
sa pag-ibig ng isang mabuting lakan.

Luha, diniligan ang kalupaan,
sumibol ang mundong may katatagan.
Ngayon, masasabi mo pa bang kahinaan,
ang pagluhang bunga ng busilak na padamdam.

    The poem gives salute to those people who are not afraid to show their feelings to a certain subject, tears or crying are not manifestations of being a coward, it is the symbol of strength to a certain occasion of sadness.

From Rayven with S H O U T!!

Good evening :)


No comments:

Post a Comment

The Rayven's Post Freedom Wall