Thursday, May 26, 2011

The Rayven's Post(literary) Jeep ni Rayven Aledo


Natatanging sasakyan sa ating bayan,
Jeep ang bansag na pangalan.
Nakatutulong sa maraming tao,
sa kanilang pagpasok sa eskwela't trabaho.

Ang tsuper nito na kaibigang tuwina,
naghahatid ng serbisyong kay bilis pa.
Siguradong ika'y makakarating
sa paroroonang nais abutin.

Jeepney na kayganda sa mata,
sa ibang bansa'y 'di mo makikita.
Ang katawan mong masining na nilikha 
at busina mong animo'y musika.

Jeepney, ika'y transportasyong maituturing,
at kapag diwa mo'y dumarating,
alam ko'y ako'y makararating,
sa daang nais gunitain.

Hindi ko alam kung anong gagawin,
kung ika'y nawala sa bansang mahal.
Dala mong pag-alis ng agam-agam, 
tiyak na hahanap-hanapin ng mamamayan. 

   This poem is entitled to promote the Philippine tourism and erase colonial mentality among individuals, it uplifts the Jeep which is the unique transportation that could only be found in the Philippines.

From Rayven with S H O U T!!!
Good Evening :)

No comments:

Post a Comment

The Rayven's Post Freedom Wall