Thursday, May 26, 2011

The Rayven's Post(literary) INA, AMA, ANAK ni Rayven Aledo


Kaligayahan ng mundong ito, kanilang nakita
Nang ika'y masilayan sa una nilang gunita.
Lahat ng bagay, kanilang ikinatutuwa,
maging pagdinig sa unang salita.

Si ama at si ina, unang naging guwardiya,
unang dalawang iyong nakilala.
Kagandahan ng ugali't iyong mga asal,
pinag-igihan nilang ituro't maging pagdarasal.

Mahal ka noon, mahal ka ngayon,
labis nga lang minsan kung gayon.
Pag-ibig na ito, kanilang inalay,
naging sandata mo't naging gabay.

Laso ito na nagbibigkis sa inyo.
Minsan nga lang nakasasakal na ito,
hindi nga lang natin pwedeng kwestyunin
dahil maaaring mayurakan, puso nila't damdamin.

Ika'y buhay dahil sa kanila,
ika'y gumagalaw sa pag-ibig nila.
Walang dahilan upang ika'y mayamot.
Suklian na lamang sila ng pagmamahal ring lubos.

     This poem was made to help the juvenile delinquents realize the true meaning of being a parent and as well as the true love of their parents for them that gave them life and success.

From Rayven with S H O U T!!!!

Good evening 


No comments:

Post a Comment

The Rayven's Post Freedom Wall